Nakatakdang buksan ng lokal na pamahalaan ng Taguig ang tatlong vaccination hubs nito na mag-o-operate ng 24 oras.
Ayon kay Taguig City Mayor Lino Cayetano, ang mga vaccination hubs o centers ay matatagpuan sa Bonifacio Global City, at Barangay Calzada-Tipas.
Paliwanag pa ni Cayetano, sinadya nilang ilagay ang mga vaccination hubs sa mga lugar na alam nilang magiging accessible ang mga ito sa kanilang mga residente oras na magsimula na ang vaccine rollout sa lungsod.
Mababatid na ang tatlong panibagong vaccination hubs ay karagdagan lamang sa nauna na nitong 40 vaccination hubs.
Target ng lokal na pamahalaan ng Taguig na makabuo ng nasa 200 vaccination teams na magbabakuna sa tinatayang 630,000 na mga residente ng lungsod sa loob ng tatlong buwan.