Target ng Kamara De Representantes na maipasa ang tatlong panukalang batas na magbubuo ng mga panibagong departamento bago matapos ang taon.
Ito ay ang mga panukalang bubuo sa Department of OFW, Department of Disaster Resilience at Department of Water Resources.
Ayon kay House Speaker Alan Peter Cayetano, kahit na maaprubahan na ang mga ito ay may mga pagdadaanan pa ang tatlong departamento.
Paliwanag pa ng Kongresista, posibleng sa kalagitnaan ng susunod na taon pa maging operational ang mga ito dahil kailangan pa ng budget, mga empleyado at opisina.
Samantala, bumubuo na ang ilang kongresista ng substitute bill na may iba pang bersyon ng Department of Disaster Resilience.