Tatlo sa mga main drainage systems sa Lungsod ng Maynila ang sarado dahil sa proyektong layuning salain ang tubig-baha bago i-discharge sa Manila Bay, malapit sa Dolomite Beach.
Tinukoy ng MMDA ang drainage systems sa Padre Faura, Remedios at Estero De San Antonio.
Ayon kay MMDA acting General Manager Baltazar Melgar, hindi pa natatapos ng Department of Public Works and Highways ang Pumping station at paglalagay ng tubo.
Ito, anya, ang dahilan nang mabilis pag-apaw ng tubig sa ilang kalsada sa Maynila kahit ilang minuto lang umulan.
Ipinaliwanag ni Melgar na nagpakawala ang MMDA ng tubig-baha sa Pasig River sa halip na direktang i-discharge sa dagat.
Samantala, posible namang i-require ng MMDA sa DPWH na maglagay ng Pumps o Mobile Pumps o i-operate muna ang existing pumps.