Tatlong planeta sa labas ng solar system ang nadiskubre ng mga siyentipiko mula sa Belgium.
Batay sa pag-aaral, ang naturang mga planeta ay makukumpara sa laki at temperatura gaya ng ating mundo at planetang Venus.
Ayon University of Liege sa Belgium, ito ang unang pagkakataon na nakakita sila ng chemical traces ng buhay sa labas ng solar system na posible aniyang tirhan ng tao.
Maliban dito, ipinabatid ng mga eksperto na may pagkakatulad din ang atmosphere ng naturang mga planeta sa atmosphere na mayroon ang ating daigdig.
Ang tatlong bagong diskubreng planeta ay may layong 39 light years.
By Ralph Obina
Image: M. Kornmesser/ESO