Nai-turn over na ng gobyerno ang tatlong evacuation center sa ilang bahagi ng batangas, sa labas ng danger zone ng bulkang Taal.
Ayon kay Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) Secretary Eduardo Del Rosario, itinatag ito ng pamahalaan sa bayan ng santa, teresita, alitagtag at mataas na kahoy sa nasabing lalawigan.
Aabot naman sa 150 pamilya na may apat o limang miyembro ang kaya nitong i-accomodate.
Maaari ring maglagay ng mga modular tents sa naturang evacuation site para sa privacy ng mga lumikas.
Kabilang naman sa mga pasilidad ng nasabing evacuation centers ang magkahiwalay na male at female comfort room, shower room, prayer room, kusina, mess hall, klinika, at storage room para sa mga supply.
Batay sa pinakahuling ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), mahigit pitong libong indibidwal o higit dalawang libong pamilya ang naapektuhan ng aktibidad ng nabanggit na bulkan. – sa panulat ni Airiam Sancho