Lima ang kumpirmadong nasawi kabilang na ang dalawang menor de edad sa nangyaring sunog sa bahagi ng isang limang palapag na gusali sa Arlegui Street sa lungsod ng Maynila.
Batay sa ulat ng Bureau of Fire Protection – Manila, sumiklab ang sunog dakong mag-aalas 8:00 kagabi at umakyat pa ikalawang alarma.
Dalawang babae at isang lalaki ang kinailangan pa na bigyan ng oxygen dahil nahirapang huminga ang mga ito.
Samantala, dalawa naman ang naitalang sugatan habang tinatayang nasa dalawandaang pamilya ang naapektuhan ng sunog sa barangay Fort Bonifacio sa Taguig City kahapon.
Ayon sa BFP – Taguig, sumiklab ang sunog pasado ala 5:00 kahapon sa Zone 7, mini park na umabot pa sa taskf foce Alpha ang alarma.
Limampung bahay ang naabo sa naturang sunog na tinatayang nagkakahalaga ng isang milyong piso ang kabuang pinsala.
Kahapon din ng umaga, nasunog ang bahagi ng ikatlong palapag ng isang litsunan sa barangay La Loma, Quezon City na umakyat naman sa ikatlong alarma.