Sasabak sa international competition ang tatlong kandidata ng Pilipinas.
Sa naganap na send-off party sa Novotel Manila Araneta City na pinangunahan ng national organization para sa mga delegado ng bansa, inanunsiyo ang tatlong title holders na nakatakdang sumabak sa kompetisyon.
Kabilang sa mga pambato ng Pilipinas na sasabak sa pageant ay sina Gabrielle Basiano ng Borongan Eastern Samar para depensahan ang Miss Intercontinental 2022 sa darating na October 14; Chelsea Fernandez ng Tacloban City para ilaban ang korona ng kapwa pinay at kasalukuyang miss globe titleholder na si Maureen Montagne sa darating na October 15; at Roberta Tomandong ng Laguna para naman sa Thailand-based Miss Grand International Crown sa darating na October 25.
Umaasa naman ang Pilipinas na masusungkit at mai-uuwi ng tatlong kandidata ang mga korona laban sa ibang mga bansa.