Binawian ng buhay ang tatlong hinihinalang miyembro ng grupong responsable sa mga kasong pagdukot sa mga Indian national makaraang makasagupa ng mga awtoridad sa Biñan, Laguna.
Ayon kay Senior Superintendent Glenn Dumlao, Hepe ng Philippine National Police Anti-Kidnapping Group o PNP-AKG, nakilala ang mga napatay na sina Inderjit Singh, sinasabing lider ng grupo, Rashper Singh at Ferdinand Reyes.
Nasagip naman sa ikinasang operasyon ng PNP-AKG ang Indian national na si Anial Sohal na nagpapasalamat sa pagkaka-rescue sa kanya.
Kitang-kita naman sa kuha ng CCTV camera sa lugar ang paglabas sa sasakyan ng mga kidnaper na napatay sa nasabing engkwentro.
By Gilbert Perdez