Kalaboso ang tatlong kilabot umanong tulak ng droga matapos madakip ng mga awtoridad sa Brgy. Putatan, Muntinlupa City.
Kinilala ang mga suspek na sina Abraham Gonzales, Michael Enjambre, at Richard Borja, kapwa nakatira sa nasabing barangay.
Nakumpiska sa operasyon ang mahigit isang gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng higit pitong libong piso.
Kasong paglabag sa comprehensive dangerous drugs act ang isasampa laban tatlong suspek.