Himas rehas ang tatlong lalaki sa Iligan City dahil sa brutal na pagpatay sa isang asong Pinoy o aspin.
Nakuhaan pa ng video ang mga lalaki na nakangiti habang kinakaladkad ang nakataling aso sa motorsiklo.
Nadakip ang mga ito matapos iulat ng isang concerned citizen ang nangyaring krimen.
Ayon sa mga pulis, intensyon ng mga suspek na patayin ang aso.
Idinala ang tatlong lalaki at ang mga labi ng aso sa Iligan City Police Station 1 para sa dokumentasyon at wastong disposisyon.
Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Republic Act No. 8485 o Animal Welfare Act of 1998.