Nilinaw ng Department of Agriculture (DA) na tanging corn farmers at mangingisda lamang ang makakatanggap ng 3K fuel subsidy mula sa pamahalaan.
Ayon kay DA Undersecretary Kristine Evangelista, hindi kabilang sa mabibigyan ang rice farmers sa 162K nasa listahan.
Pero kahit na wala aniya sila sa listahan ay mayroong bukod na programa ang pamahalaan para sa kanila.
Paliwanag ni Evangelista, mabibigyan ng ayuda ang mga magsasaka ng palay sa ilalim ng programang Rice Farmer Financial Assistance (RFFA) kung saan makakatanggap ang mga ito ng 5K ayuda.
Habang hindi rin kabilang sa mabibigyan ang mga vegetables and high-value crops farmers pero tutulungan sila ng da sa pamamagitan ng pagbibigay ng trucks sa mga farmer cooperatives.