Pinalaya ang tatlong magkakapatid matapos iabswelto ng korte suprema makaraang arestohin dahil sa kasong iligal na droga sa Pasig City.
Napatunayan kasi na nagkaroon ng “lapses” ang mga otoridad na humawak sa kaso ng magkakapatid.
Ayon sa korte suprema, nabigo ang mga pulis na umaresto sa magkakapatid dahil hindi umano naging maayos ang naging presentasyo sa mga ebidensyang nakuha ng mga otoridad laban sa mga akusado.
Matatandaang inaresto ang magkakapatid noong Nobyembre a-8 taong 2006 sa Brgy. Pinagbuhatan sa ikinasang buy-bust operation.—sa panulat ni Angelica Doctolero