Nasamsam ng pamunuan ng Bureau of Custom-Manila International Container (BOC-MICP) ang tatlong mga smuggled na sasakyan.
Batay sa impormasyon ng mga awtoridad, nagpalabas ng pre-lodgement control order si MICP District Collector Romeo Rosales laban sa naturang shipping.
Matapos itong sumailalim sa pagsisiyasat, napag-alaman na naglalaman ito ng isang bagong land cruiser, isang 2016 Nissan GTR at isang 2020 model ng Chevrolet Camaro ZL1.
Mababatid na ang naturang shipment o kargamento ay nakapangalan sa Adfinest marketing corp.
Kasunod nito, ay nag-isyu ng warrant of seizure and detention sa naturang kargamento na tinatayang nagkakahalaga ng P16 milyon.
Samantala, magsasagawa naman ng imbestigasyon sa naturang shipment at posible ring magsampa ng kaso laban dito.