Puspusan ang naging pagpupulong ng ASEAN leaders at dialouge partners nito sa huling araw ng ika-31 ASEAN Summit bago ito tuluyang nagtapos kahapon.
Unang nakipag-pulong ang Chairman ng ASEAN para sa taong ito na si Pangulong Rodrigo Duterte sa tatlong malalaking bansa sa Asya tulad ng China, Japan at South Korea.
Nangako si Japanese Prime Minister Shinzo Abe ng tulong para sa mga residente sa Iligan City at iba pang apektado ng bakbakan sa Marawi City sa pamamagitan ng bigas na kanilang ipagkakaloob.
Dumalo rin si Pangulong Duterte sa ASEAN – East Asia at ASEAN – India Summit kung saan, tinalakay ang ilang mga sensitibong usapin tulad ng pagbuo ng Code of Conduct sa South China Sea, pagkondena sa mga armas nuclear at missile test ng North Korea, maritime cooperation at ang paglaban sa terorismo.
SMW: RPE