Tatlong Pilipino at isang Korean national ang dinukot ng hindi pa nakikilalang armadong grupo sa south eastern Libya.
Batay sa ulat ng isang hindi na nagpakilalang Libyan official, mga manggagawa sa isang water plant ang tatlong binihag na Pilipino at kasamahan nilang Korean national.
Sinasabi namang unang dinukot ng grupo ang ilang mga manggagawang Libyan sa kaparehong planta pero pinakawalan din kalaunan.
Magugunitang, matindi ang presensya ng ilang mga armadong grupo sa Libya kabilang ang mga may kaugnayan Islamist militants tulad ng Al Qaeda at Islamic state.