Iniulat ng isang Chinese state media na tatlong Pilipino ang inaresto sa Beijing dahil sa hinihinalang espionage o pang-eespiya.
Batay pa sa naturang report, nadiskubre ng state security authorities ng China ang kaso ng Filipino espionage.
Lumabas sa imbestigasyon na matagal nang nagmamanman ang Philippine Intelligence Agencies at nangangalap ng impormasyon kaugnay sa military deployments ng nasabing bansa.
Sa ngayon, wala pang pahayag hinggil dito ang Philippine Embassy sa China, Department of Foreign Affairs, Department of National Defense, National Security Council, Armed Forces of the Philippines, at Philippine National Police.