Sinampahan ng kaso ng BIR o Bureau of Internal Revenue ang tatlong pribadong kumpaniya dahil sa kabiguan ng mga ito na magbayad ng tamang buwis sa pamahalaan.
Kasong tax evasion o paglabag sa National Internal Revenue Code of 1997 ang isinampa sa mga opisyal ng kumpaniyang Emerald Sales Center Corporation, IRA General Security Services Incorporated at Owtel Philippines Incorporated.
Ayon sa BIR, bigong magbayad ng buwis ang Emerald nuong 2006 na nagkakahalaga ng 12.2 Milyong Piso; 34 na milyong Piso naman ang hindi nabayaran ng IRA General Security nuong 2009 habang 158 Milyong Piso naman ang hindi nabayaran ng Owtel.
Ang mga nabanggit na kumpaniya ang ika-34 sa grupo ng mga kumpaniyang kinasuhan sa ilalim ng RATE o Run After Tax Evaders Program ng Administrasyong Duterte.
By: Jaymark Dagala / Bert Mozo