Pinaaalis na ng National Housing Authority (NHA) ang mga nakatira sa tatlong tenements sa Metro Manila.
Ito ay makaraang ideklara bilang condemned o hindi na maaaring matirhan ang Punta Tenement sa Sta. Ana Manila, Vitas Temporary Housing sa Vitas Tondo at Fort Bonifacio Tenement housing unit sa Taguig City.
Ayon kay NHA Chief of Staff Attorney John Christopher Mahamud, kinakailangan nang umaksyon ang pamahalaan at idemolish ang mga nasabing tenements bago pa may mangyaring malaking sakuna.
Iginiit ni Mahamud na kanila lamang iniisip ang kaligtasan ng mga occupants ng mga nasabing tenements.
Ikinagulat naman ng mga residente ng Punta Tenement ang desisyon ng NHA at iginiit na hindi kinakailangang i-gibain ang gusali kundi i-rehabilitate lamang.