Sinampahan ng kaso ng Office of the Ombudsman sa Sandiganbayan ang isang mataas na opisyal mula sa tanggapan ni dating Senador Jinggoy Estrada.
Ayon sa Ombudsman , nabigo ang Deputy Chief of Staff ni Estrada na si Pauline Labayen na magdeklara ng kanyang mga ari- arian nuong taong 2008 at mula 2010 hanggang 2012.
Nabatid na hindi nakalagay sa Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (SALN) ni Labayen ang kaniyang real estate property sa Malate, Maynila at condominium unit sa Makati.
Kasong perjury at paglabag sa code of conduct and ethical standards for public officials and employees ang isinampa laban kay Labayen.
Si Labayen ay kapwa akusado ni Estrada sa mga kaso sa Sandiganbayan hinggil sa maanomalya umanong paggamit ng pork barrel ng mula 2007 hanggang 2009.