Tiwala ang isang political analyst na maraming Pilipino ang tututok mamaya sa gaganaping presidential debate.
Sinabi ni University of the Philippines Professor Ramon Casiple sa DWIZ na mataas ang interes ng taumbayan sa magiging sagot ng mga kandidato sa pagka-pangulo sa mga napapanahong isyung kinahaharap ng bayan.
Sa kabilang banda, tila nakukulangan si Casiple sa 2 oras na debate.
“Ang interes mataas at mayroon talagang tututok dito, hindi lang ako sure kung yung format nila tutungo sa mas detalyadong paglalahad at pagatatagisan ng idea kasi unang una short lang ang time nila. Mabilisan lang ang mga salita, ‘yan sa tingin ko at hindi elaborate ang discussion ng topic.”
Kaya naman, mas mangingibabaw aniya mamaya ang kandidatong mabilis sumagot at magsalita.
“Ang mananalo dyan yung mabilis mag explain. Dapat mai-kwnto nya na agad ang mensahe nya,” paliwanag ni Casiple.
By: Allan Francisco