Tataas na ang yearly allowance ng mga gurong nagtratrabaho sa mga pampublikong paaralan.
Ito ay matapos lagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Republic Act No. 11997 o Kabalikat sa Pagtuturo Act nitong June 3.
Sa ilalim ng Kabalikat sa Pagtuturo Act, tataas na ang taunang teaching allowance ng public school teachers mula P5,000 hanggang P10,000.
Non-taxable ang allowance na ito at magsisimulang ipamahagi sa paparating na school year 2025-2026.
Ayon kay Pangulong Marcos, sa loob ng ilang dekada, kusang-loob na gumagastos ang mga guro ng kanilang sariling pera para sa mga kagamitan sa silid-aralan.
Aniya, sa kabila ng kanilang problemang pinansiyal, buong-puso nila itong ginagawa bilang bahagi ng kanilang responsibilidad at tungkulin sa kanilang mga mag-aaral.
Sa pagpasa ng Kabalikat sa Pagtuturo Act, pinapagaan ng pamahalaan ang ilang pasaning dinadala ng mga guro sa pang araw-araw nilang buhay.
Saad ni Pangulong Marcos, “Teachers are the unsung heroes of our society—of any society for that matter. They toil and burn the midnight oil; they teach our children not for money nor for prestige. They serve our country each day by teaching our children the basic foundations to make them responsible and productive citizens. It is our responsibility as a government and as a society to take care of them.”