Pinag-aaralan na ng gobyerno na gawing taon-taon ang COVID-19 vaccination.
Ito ang inamin ni national Task Force Against COVID-19 Chief at Vaccine Czar, Secretary Carlito Galvez kasabay ng ceremonial vaccination ng Tourism workers sa Taytay, Rizal.
Ayon kay Galvez, nakikita nila na kailangan talaga ang tinatawag na vaccination cycle o maging annual na ang bakunahan lalo’t hindi naman ito maaaring gawing one-time big time.
Tinitingnan na anya nila ang phenomenon sa ibang bansa at tuwing Lunes ay mayroon silang update mula sa Custom Consultative Group kasabay ng kanilang pag-aaral sa trends ng global vaccine supply.—sa panulat ni Drew Nacino