Gaganapin ang taunang earth hour switch off event bukas, alas-8:30 ng gabi hanggang alas-9:30.
Ayon sa World Wide Fund for Nature–Philippines, ang aktibidad ngayong taon ay naglalayong hikayatin ang marami na itigil ang paggamit ng mga single-use plastic na pinakamalaking banta sa biodiversity ng mundo.
Magandang pagkakataon rin ito para hikayatin ang publiko na manindigan para sa kalikasan at ipanawagan sa mga mambabatas ang pagsusulong ng mga batas para epektibong plastic waste management.
Gaganapin ang main switch-off event sa globe circuit event grounds sa Makati City kung saan may programa mula alas-5:00 ng hapon hanggang alas-10:00 ng gabi.
—-