Mahigit 200 fishing boats ang nakiisa sa taunang fluvial parade sa pista ng Sto. Niño Barangay Bula sa General Santos City.
Ginalugad ng nasabing fishing assets ang Saranggani Bay sa pangunguna ng isang amphibious ship na may kargang itim na Sto. Niño habang sa magkabilang gilid nito ang tig-tatlong fast craft ng Philippine Navy at PNP Maritime.
Kinumpirma ng fishing magnate na si Marfenio Tan na umuwi ang halos lahat ng fishing boat mula sa iba’t ibang panig ng karagatan para makiisa sa pista ang mga tripulante.
Matapos ang misang ginawa sa Diocese of Marbel Bishop Dinualdo Gutierrez ay kaagad inilabas ang itim na Sto. Niño na ikinarga sa amphibian ship hanggang umabot sa fishport.
Bumalik at dumaong ito sa queen tuna at doon sinundan ang Niño ng mga kalahok ng Isda-Isdaan Festival at mga deboto.
Dahil sa nasabing fiesta ay nagsimula nang magkulang ang supply ng isda sa merkado matapos magsiuwian ang mga mangingisda mula sa laot.
By Judith Larino