Muling masasaksihan sa bansa hanggang sa December 17 ang taunang Geminids meteor shower.
Ayon sa PAGASA mas maraming geminids meteor shower ang masasaksihan mamayang gabi hanggang sa madaling araw ng December 15 sa silangang kalangitan.
Nasa 40 meteor o falling stars ang makikita kada oras sa ilalim ng madilim na kalangitan.
Ang mga Geminids ay galing sa asteroid na 3200 Phaethon.
Masasaksihan din sa iba pang bahagi ng mundo tulad ng Amerika at Australia ang nasabing meteor shower.