Dagsa na sa Saudi Arabia ang tinatayang isa’t kalahating milyong Muslim na mula sa iba’t ibang panig ng mundo.
Ito’y para sa taunang Hajj Pilgrimage kaalinsabay ng pagdiriwang ng Eid’l Adha o Feast of Sacrifice sa Setyembre 12.
Hindi nagpatinag ang mga pilgrims sa kabila ng napakainit na panahon sa Mecca na umabot sa 40 degrees celcius.
Magsisimula bukas ang isa sa unang rituwal ng Hajj kung saan, magpuprusisyon ang mga pilgrims na nakasuot ng puting damit pa-ikot sa kaaba sa loob ng 24 na oras.
Bagama’t may mga tindahang makakainan o maiinuman sa grand mosque, awtomatikong titigil ang operasyon ng mga ito kapag nagsimula na ang panalangin.
Kasunod nito, doble higpit ang seguridad ang ipinatutupad sa pinakamalaking mosque sa mundo upang hindi na maulit ang nangyaring stampede noong isang taon.
By Jaymark Dagala
Photo Credit: Reuters