Sa kauna-unahang pagkakataon makalipas ang higit 10 taon, hindi seselyuhan ng mga pulis ang kanilang baril ngayong Pasko at bagong taon.
Alinsunod ito sa direktiba ni PNP Chief Director General Ronald Dela Rosa sa mga hepe ng pulisya sa bawat rehiyon noong huling command conference sa Kampo Crame.
Ayon kay PNP Director for Operations Police Director Camilo Pancratius Cascolan, nais nilang ipakita sa taumbayan na disiplinado at mapagkakatiwalaan ang buong hanay ng PNP.
Sinabi ni Cascolan na hindi na kailangan ng muzzle taping na tradisyon na sa pambansang pulisya tuwing magpapasko at bagong taon dahil na rin sa mga insidente ng indiscriminate firing.
By: Meann Tanbio / Jonathan Andal