Inabangan ng mga fans ang mga artistang bida sa pelikulang kasama sa 2019 Metro Manila Film Festival (MMFF) ang taunang parade of stars.
8 pelikulang entry sa MMFF ang kabilang sa mga magpaparada ng kanilang mga creative at makukulay na float na inaasahang nagsimula na kaninang 12:00 ng tanghali.
Ngayong taon, ginanap ang parada sa Taguig City kung saan dinaanan nito ang mga kalye ng Lakeshore C-6, ML Quezon Avenue, Cuasay, C5 service road, upper Mckinley road, Lawton Avenue-5th street, 32nd street, 7th avenue, 5th avenue, Legrand Avenue at Chateau road.
Kabilang sa mga pelikulang pasok bilang official entry sa MMFF ang “the mall the merrier” nina Vice Ganda at Anne Curtis; ”Mindanao” ni Judy Ann Santos; 3-pol trobol: huli ka balbon nina Coco Martin, Jennelyn Mercado at Ai-Ai delas Alas, ”sunod” nina Carmina Villaroel at Mylene Dizon.
Gayundnin ang pelikulang Cullion nina Iza Calzado, Jasmine Curtis Smith at Meryll Soriano, ‘mission unstapabol’: the don identity nina Vic Sotto at Maine Mendoza; ‘miracle in cell no. 7′ nina Aga Muhlach at Bela Padilla at ‘write about love’ nina Yeng Constantino at Rocco Nacino.
Sisimulang ipalabas ang mga nabanggit na pelikula sa araw ng pasko December 25 habang gaganapin ang awards night sa December 27.