Pinarangalan ng PMA o Philippine Military Academy ang labing isa nilang alumni sa ginanap na taonan nilang alumni homecoming ngayong araw.
Kabilang dito si Philippine National Police Chief Director General Oscar Albayalde ng PMA Class 1986 na ginawaran ng Cavalier award for command and administration bilang pinuno noon ng NCRPO at kanyang pagsisikap para malinis ang kanilang hanay.
Binigyan naman ng Cavalier award for police operations si NCRPO Chief Director Guillermo Eleazar ng Class 1987 para naman sa kanyang pasisikap na labanan ang iligal na droga at krimen noong siya ay pinuno pa ng QCPD.
Kasama rin sa ginawaran ng Cavalier award si Ronnie Gil Gavan ng PMA Class 199 para sa Coast Guard Operations; Commander Harold Nemeño ng Class 1998 para sa Special Operations; Seal Unit Commanding Gilbert Villareal ng Class 1998 para sa Naval Operations; Ramon Flores ng Class 1994 para sa army operations.
Gayundin si Director for Operations of 5th fighter wing Rolando Peña the third ng PMA Class 1997 para sa Air Operations; Leo Angelo Lieuterio ng Class 1998 para sa alumni affairs; Jesus Lomeda Jr. ng Class 1980 para sa special field; Fernando Mesa ng Class 1975 para sa Public Administration at Louie Ticman ng Class 1976 para sa private enterprise.
Itinuturing ang Cavalier award bilang pinakamataas na parangal na ibinibigay sa isang PMA alumnus o alumna para sa kanilang bukod tanging nagawa sa kani-kanilang mga napiling field.
TINGNAN: Arrival Honors para kay PNP Chief Dir/Gen. Oscar Albayalde sa PMA Alumni Homecoming | @dwiz882 pic.twitter.com/gEwmZOBkbm
— ♕Jaymark Dagala♕ (@jaymarkdagala) February 16, 2019
PANOORIN: Pagpsok ng PMA Cadet Corps sa pagsisimula ng PMA Alumni Homecoming | @dwiz882 pic.twitter.com/oCM5a7b6u0
— ♕Jaymark Dagala♕ (@jaymarkdagala) February 16, 2019
Albayalde at Eleazar kabilang sa 11 na binigyan ng Cavalier award sa PMA Alumni Homecoming
Pinarangalan ng PMA o Philippine Military Academy ang labing isa nilang alumni sa ginanap na taonan nilang alumni homecoming ngayong araw.
Kabilang dito si Philippine National Police Chief Director General Oscar Albayalde ng PMA class 1986 na ginawaran ng Cavalier award for command and administration bilang pinuno noon ng NCRPO at kanyang pagsisikap para malinis ang kanilang hanay.
Binigyan naman ng Cavalier award for police operations si NCRPO Chief Director Guillermo Eleazar ng class 1987 para naman sa kanyang pasisikap na labanan ang iligal na droga at krimen noong siya ay pinuno pa ng QCPD.
Kasama rin sa ginawaran ng Cavalier award si Ronnie Gil Gavan ng PMA class 199 para sa coast guard operations; Commander Harold Nemeño ng class 1998 para sa special operations; Seal Unit Commanding Gilbert Villareal ng class 1998 para sa naval operations; Ramon Flores ng class 1994 para sa army operations.
Gayundin si Director for Operations Of 5th Fighter Wing Rolando Peña III ng PMA class 1997 para sa air operations; Leo Angelo Lieuterio ng class 1998 para sa alumni affairs; Jesus Lomeda, Jr. ng class 1980 para sa special field; Fernando Mesa ng class 1975 para sa public administration at Louie Ticman ng class 1976 para sa private enterprise.
Itinuturing ang Cavalier award bilang pinakamataas na parangal na ibinibigay sa isang PMA alumnus o alumna para sa kanilang bukod tanging nagawa sa kani-kanilang mga napiling field.