Nakadepende sa development ng SARS-COV-2 o virus na nagdudulot ng COVID-19, ang posibleng pagsasagawa ng taunang vaccination rollout sa bansa.
Ayon kay Dr. Benito Atienza, Pangulo ng Philippine Medical Association (PMA), nakabatay rin ito sa mga eksperto na gumagawa ng COVID-19 vaccines at magiging kalagayan ng Pilipinas matapos ang pandemya.
Aniya, nagmu-mutate ang virus kaya’t patuloy na pinag-aaralan ng mga scientists ang mga bakuna, gaya ng ginagawa ng mga ito sa flu vaccines na ibinibigay taon-taon.
Binigyang diin ni atienza na mahalagang mabakunahan ang publiko sakaling ipatupad ang fourth vaccine dose scheme sa bansa.