Naniniwala ang National Telecommunications Commission na posibleng tuluyan nang mawawala ang singil sa mga tawag at text messages sa darating na dalawa hanggang tatlong taon.
Kasunod ito ng direktiba ng NTC sa mga telecommunication companies na bawasan ang interconnection charges sa mga text messages sa limang sentimo (P0.05) mula sa dating labinlimang sentimo (P0.15).
Habang ibinaba din sa limampung sentimo (P0.50) ang kada minuto ng tawag mula sa dating dalawang piso at limampung sentimo (P2.50).
Ayon kay NTC Deputy Commissioner Edgardo Cabarios, titiyakin nilang patuloy na bababa ang singil sa tawag at text para sa mga subscribers na nasa “class c” o yung mga gumagamit pa rin ng second generation devices na walang data connection.
“Nabawasan na po ng malaki pero substantial pa rin po ang bilang ng call and texts lalo na ang ating mga kababayan na nasa lower C or D na economic class, ang mga cellphone devices pa rin po nila ay 2G na hindi pa puwedeng mag-data, ‘yan po ang dapat na magandang serbisyo.” Pahayag ni Cabarios
(Ratsada Balita Interview)