Libre na ang tawag sa emergency 911 hotline para sa mga subscriber ng PLDT at mobile network firms nitong Smart, Talk n Text at Sun.
Ipinabatid ito ni DILG Secretary Eduardo Año kasabay ang babala sa prank callers ng hotline na maaaring maparusahan.
Sinabi ni Año na hindi dapat magdalawang isip sa pagtawag sa 911 sa panahon ng emergency at hindi na hadlang ang kawalan ng load para makapagsagip ng buhay sa mga emergency situation.
Batay sa record ng DILG, nasa 3,500 emergency calls ang natatanggap ng 911 hotline kada buwan subalit nasa halos 100 lamang ang maituturng na lehitimong emergency calls kada araw.