Niyanig ang magnitude 5.5 na lindol sa Tawi-Tawi.
Batay sa datos ng PHIVOLCS, namataan ang lindol sa layong 358 kilometro southeast ng South Ubian dakong 3:19 ng hapon.
May lalim ang lindol na 530 kilometro at tectonic ang origin.
Wala namang napaulat na pinsala sa mga ari-arian at walang inaasahang aftershocks.