Itinuturing nang endangered ng International Union for Conservation of Nature (IUCN) red list ang tawilis ng Taal Lake.
Ayon kay Dr. Mudjekeewis Santos ng National Academy of Science and Technology, ang natatanging freshwater sardine sa buong mundo ay malapit nang maging extinct base na rin sa assessment ng IUCN.
Kabilang aniya sa factors kaya’t unti-unti nang nauubos ang tawilis ay pangisngisda, polusyon sa kapaligira at paglutang ng mga itinuturing namang invasive species tulad ng tilapia at iba pang uri ng isda.
Sinabi ni Santos na gumagawa na sila ng mga paraan para mahadlangan ang extinction ng tawilis lalo pa’t nag-aalala na rin ang mga nagtitinda nito na mawalan ng hanapbuhay.
Inihayag ni Santos na dapat magsilbing wake-up call ang red list dahil may pag-asa pa para hindi maging critically endangered ang tawilis mula sa Taal Lake.
—-