Tumaas ang excise tax collection ng Bureau of Internal Revenue, noong isang buwan.
Ayon sa Department of Finance, umabot sa 17.7 Billion Pesos ang excise taxes na na-kolekta ng B.I.R. noong Setyembre kumpara sa 15.6 Billion Pesos sa kaparehong panahon noong isang taon.
Pinaka-malaking bahagi nito ay nagmula sa tobacco industry na aabot sa 11.1 Billion Pesos.
Ang 4.6 Billion Pesos naman ay nagmula sa Japan Tobacco International Philippines Incorporated matapos nitong i-acquire ang Mighty Corporation.