Itutulak ng isang kongresista ang isang panukalang batas na magbibigay ng exemption kay 2015 Miss Universe Pia Wurztbach sa pagbabayad ng buwis kaugnay sa kanyang mga napanalunang premyo.
Ayon kay Cagayan de Oro City Rep. Rufus Rodriguez, isusumite niya ang kanyang panukala sa muling pagbubukas ng sesyon ng kongreso sa January 4.
Binigyang-diin ni Rodriguez na isang mataas na karangalan sa bansa ang pagkakasungkit ni wurtzbach sa nasabing titulo na inabot pa ng 42-taon bago muling nakuha ng isang Filipina.
Kung mapagtitibay aniya ang kanyang panukala, hindi lamang si Wurtzbach ang siyang direktang makikinabang kundi ang mga susunod pa sa kanyang yapak.
Una rito, inihayag ni Bureau of Internal Revenue Commissioner kim henars na kanilang papatawan ng buwis ang korona ni Wurtzbach na umano’y nagkakahalaga ng P15-Million.
By: Meann Tanbio