Dagdag sakripisyo pa sa mga guro ang pagharap sa panganib nang pagsisilbi sa eleksyon sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Ayon ito kay senador Sherwin Gatchalian matapos igiit ang panukalang i-exempt sa buwis ang honoraria at iba pang benepisyo ng mga gurong magsisilbi sa eleksyon.
Sa inihain niyang Senate Bill number 2019 , ipinatitigil ni Gatchalian ang pagpapataw ng buwis sa honoraria, travel allowance at iba pang benepisyo na ibinibigay ng COMELEC sa mga guro at iba pang election workers batay na rin sa Republic Act 10756 o election service reform act.
Kasabay nito, ipinabatid ni Gatchalian na ini-report ng Department of Education ang pag-apruba ng COMELEC sa P3,000 na honoraria sa mga guro na magsisilbi sa mga electoral board taliwas sa rekomendasyon ng ahensya, subalit pinoproblema ng komisyon ang pondo dahil pinatapyasan ng Malakanyang ng 37% ang hiningi nilang budget para sa susunod na taon.