Isinusulong sa Senado ang panukalang batas na nagbibigay ng tax exemption sa mga pabuya ng mga Olympic medalist.
Sa ilalim ng Senate Bill No.2341, layunin nito na hindi na kailangan lagyan ng buwis ang mga bonus reward, cash incentives at ibang premyo na matatanggap ng atleta mula sa pamahalaan at pribadong sektor.
Una nang nagsabi ang Bureau of Inter Revenue o BIR na hindi papatawan ng anumang buwis ang matatanggap na pabuya ng mga atleta na nakasaad sa ilalim ng RA no. 10699.
Kung sakali mang pumasa ang naturang batas, agad naman itong ipapatupad sa mga nanala sa naturang torneo na sina weightlifter Hidilyn Diaz at boxer Nesthy Petecio.
Sisiguraduhin naman ni Nesthy Petecio na pagdating nito sa bansa ay agad niyang kukunin ang pabuya na nasa P17 milyon.