Kinalampag ni Senador Sonny Angara ang BOC o Bureau of Customs na bilisan ang paglalabas ng guidelines dahil dagsa na ang mga padala kaugnay sa nalalapit na kapaskuhan.
Ayon kay Angara, nasa holiday rush na ngayon ang bansa ngunit wala pa ring inilalabas na guidelines ang box hinggil sa tax-free balikbayan boxes para sa mga OFW’s.
May mga reklamo na rin aniya silang natatanggap sa mahabang proseso at requirements bago maka-avail ng tax incentive ang mga tinaguriang bagong bayani.
Giit ng Senador, hindi bibuwisan ang balikbayan boxes ng mga OFW na nagkakahalaga ng isandaan at limampung libong piso o hindi lalagpas sa apatnaraan at limampung libong Piso sa loob ng isang taon sa kundisyon na hindi ito ibebenta o inenegosyo.