Nanganganib ng matuldukan ang “tax-free living” sa Saudi Arabia matapos aprubahan ng gabinete ang pagpapataw ng buwis sa lahat ng produkto at serbisyo sa buong kaharian.
Ito’y bunsod ng patuloy na pagbulusok ng presyo ng mga produktong petrolyo sa nakalipas na tatlong taon dahilan upang maghanap ng ibang source of revenue ang Saudi.
Matagal ng walang tax ang karamihan ng mga produkto at serbisyo sa Saudi Arabia dahil sa malaking government subsidy.
Nakaasa lamang ang Saudi sa oil revenue kaya’t tututukan na ng kanilang gobyerno ang iba pang non-oil income.
By Drew Nacino
Photo Credit: Getty Images