Isinusulong ni Senador Ralph Recto na maging tax free ang Performance Based Bonus (PBB) ng mga kawani ng gobyerno.
Nakasaad sa Senate Bill 602 na panghikayat sa mga empleyado para mag trabaho ng mabuti ang mga ganitong bonus na paalala rin maging sa mga hindi matinong mag trabaho.
Kapag naisabatas aamiyendahan ng panukala ang National Internal Revenue code of 1997 para masabing hindi na isasama ang performance based bonus sa computation ng gross income tax.
Bukod dito ipinabatid ni Recto na mayruon ding P5,000 across the board na productivity enchancement incentive ang mga kawani ng gobyerno.