Itinalaga ni Pangulong Bongbong Marcos si Romeo Lumagui Jr., bilang Commissioner ng Bureau of Internal Revenue (BIR).
Nanumpa si Lumagui, na isang Tax Lawyer, sa kanyang tungkulin, kahapon.
Bago itinalaga bilang BIR Chief, nagsilbi muna siya bilang Deputy Commissioner ng ahensya.
Nagsilbi rin si Lumagui sa iba’t ibang puwesto at tungkulin gaya ng Technical Assistant to the Commissioner at Tax Fraud Head para sa Revenue Region 6-Manila, Revenue Region 4-Pampanga at Revenue Region 7-B, East NCR. —ulat mula kay Gilbert Perdez (Patrol 13)