Dapat munang mabayaran ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) ang kanilang tax liabilities bago payagang makapag-operate muli sa gitna ng quarantine dahil sa COVID-19 pandemic.
Binigyang diin ito ni house ways and means committee chair Joey Salceda bagamat suportado niya ang pahayag ng ilang opisyal ng gobyerno na kailangan ang POGO dahil magagamit sa COVID-19 response ang kitang makukuha mula rito.
Tinatayang aabot sa P42-B ang tax liabilities ng POGO’s at papalo sa P2-B ang sisingiling buwis sa mga ito kada buwan kapag pinayagang magbalik operasyon.
Sinabi ni Salceda na maaaring gamitin sa testing at hospitalization ng COVID-19 patients ang makokolektang buwis mula sa POGO’s.