Isinusulong din ni Senador Sonny Angara ang Tax Payers Assistance Service Bill
Layon ng panukala na magtayo ng assistance service center sa loob mismo ng BIR na bubuuin ng mga competent at professional employees na kayang gabayan at sagutin ang mga tanong ng tax payers
Sa unang tatlong taon niya bilang Chairman Senate Committee on Ways and Means sinabi ni Angara na marami siyang natanggap na reklamo kaugnay sa pagbabayad ng buwis
Dapat aniyang tulungan muna ang mga taxpayer na sumunod sa mga regulasyon bago pag multahin ang mga ito
Naniniwala si Angara na huhusay ang tax collection kung mababawasan ang mga malalabong regulasyon sa tax code
By: Judith Larino