Pinalawig ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang deadline sa paghahain ng annual income tax return (ITR).
Sa halip na April 15 deadline, naglaan pa ng isang buwan o hanggang May 15 ang BIR para sa mga hindi pa nakapaghahain ng kanilang ITR.
Sa Revenue Memorandum Circular (RMC) na inilabas ng BIR ngayong March 18, 2020, nakasaad na walang babayarang multa ang tax payers kung makapaghahain sila ng ITR hanggang May 15.
Pinagbigyan ng BIR ang apela sa extension ng deadline sa harap ng umiiral na enhanced community quarantine sa buong Luzon.