Lusot na sa House committee on ways and means ang panukalang tax provision na sinasabing magpapalakas sa political party system sa bansa.
Isa sa mga probisyon ng naturang panukala ang pagbuo ng SSF o state subsidy fund na gagamit ng directly at exclusively para sa campaign expenditures ng mga accredited national political parties.
Sa naturang SSF, limang porsyento ay para sa monitoring purposes sa pagsasagawa ng information dissemination, campaign, and voter’s education.
Tatlumpong (30) porsyento naman ng SSF ay paghahati-hatian ng mga accredited parties na kumakatawan sa Senado habang ang natitirang 65% ay paghahati-hatian ng mga political party sa Kamara.
(edited by Jun Del Rosario)
—-