Aprubado na sa ikatlo’t huling pagbasa sa Senado sa botong 17-1 ang first package ng Senate Bill 1592 o Tax Reform For Acceleration and Inclusion o TRAIN.
Tanging si Senador Risa Hontiveros ang bumoto kontra sa nabanggit na bill.
Tataas ang take home pay ng mga manggagawang kumikita ng 250,000 pesos pababa kada taon dahil hindi na magbabayad ng income tax, simula sa Enero ng susunod na taon.
Sa ilalim din ng panukala ay wala ng tax ang 13th month pay at iba pang bonus na aabot sa P82, 000; mananatiling 12 percent ang VAT rate; magdaragdag ng excise tax sa langis; 10 percent additional tax sa mga sasakyang 1 million pesos ang halaga pababa at 20 percent sa 1 million pesos pataas.
Karagdagang 9 percent tax naman ang ipapataw sa mga sweetened product habang exempted ang mga gatas sa sugar tax dahi sa nutritional value nito maging ang kape partikular ang 3-in-1 dahil ito ang isa sa mga pangunahing kinukonsumo ng mga pangkaraniwang mamamayan.
Samantala, 10 percent tax naman ang ipapataw sa cosmetic procedures at body enhancement, magiging exempted din sa VAT ang mga nangungupahan ng 15,000 pesos pababa kada buwan habang tataas ang excise tax sa coal at lahat ng non-metallic mineral.
—-