Sinertipikahan na bilang urgent bill ni Pangulong Rodrigo Duterte ang panukalang Tax Reform for Acceleration and Inclusion Act.
Ipinadala kaagad ng Pangulo kina Senate President Aquilino “Koko” Pimentel at House Speaker Pantaleon Alvarez ang tax reform bill para sa agarang pagpasa.
Nais ng Pangulo na maamyendahan ang ilang probisyon ng Internal Revenue Code of the Philippines, kabilang dito na ibaba ang income tax para sa mga ordinaryong manggagawa at taasan ang tax exemption.
By Meann Tanbio | With Report from Aileen Taliping