Itinuturing na “monster train” ng grupong United Filipino Consumers and Commuters (UFCC) ang panukalang Tax Reform for Acceleration and Inclusion o TRAIN ng administrasyong Duterte.
Ayon kay RJ Javellana, presidente ng grupo, masasagasaan nito ang lahat ng miyembro ng ating lipunan tulad ng mga sanggol, estudyante, senior citizens, mangagagawa at iba pa, dahil sa siguradong pagsirit ng halaga ng mga bilihin dahil dito.
Isa pang tinukoy ni Javellana na lubhang maapektuhan ay ang 5.7 milyong mga Pilipino na wala pang sariling tahanan.
“Kung wala kang low cost housing, eh… tataas ho ‘yung kanilang bayarin at madadagdagan ‘yung taon ng kanilang paghihirap. Doon naman sa talagang bagsak na bagsak ang kanilang kabuhayan ay mawawala na po ‘yung kanilang pangarap na magkaroon ng bahay.