Binigyang-diin ng Malacañang na nilikha ng pamahalaan ang Tax Reform for Acceleration and Inclusion o TRAIN para sa mga Pilipinong hikahos ang buhay.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, nakasaad sa tax reform package ang mga probisyon upang maibsan ang epekto nito sa mahihirap tulad ng pagpapatuloy ng conditional cash transfer program at iba pang subsidy.
Gagamitin anya ang additional tax na malilikom upang maipatupad nang mabilis ang mga kailangang infrastructure project sa ilalim ng build, build, build program ng gobyerno.
Dagdag ni Roque, nakapaloob din sa tax reform package ang exemption sa pagbabayad ng income tax ng mga manggagawang may 250,000 pesos na sahod kada buwan pababa.
Gayunman, nababahala umano ang ilang kritiko sa tax reform bill dahil itataas nito ang buwis ng ilang bilihin tulad ng matatamis na inumin, produktong petrolyo, tobacco products, sasakyan at cosmetics.